Welcome to My Life!

This post is an introduction to the 'The Boring Life of Kurog' series.


Do you ever feel like breaking down?
Do you ever feel out of place?
Like somehow you just don't belong
And no one understands you

Do you ever wanna runaway?
Do you lock yourself in your room?
With the radio on turned up so loud
That no one hears you screaming

No you don't know what it's like
When nothing feels all right
You don't know what it's like
To be like me

To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No you don't know what it's like
Welcome to my life


Sandali lang! Iniisip ba talaga ng gumawa ng kantang 'yan na siya lang ang nakakaranas ng mga bagay ng ganyan? Na hindi natin naiintindihan ng ganyang pakiramdam? Akala ba niya, siya si Sharon Cuneta sa Pasan Ko Ang Daigdig?

Hindi lang sila ang nakakaranas ng ganyan noh! Well, hindi natin sila masisisi. Kasi, kahit tayo naman kung minsan, ganyan ang iniisip eh. Kung minsan akala natin tayo lang ang tao sa mundo na nasasaktan, dinadaanan ng problema, at kung anu-ano pang nakakapagpalungkot at kung minsan, kadalasan, nakakapagpaiyak sa atin.

At hindi rin naman lahat ng tao, ganyan. Dahil may mga taong sadyang napaka-suwerte. Yung tipong hindi dinadaanana ng kahit maliit na problema man lang sa buhay. Yung tipong iiyak lang sya dahil sa tuwa, o kung hindi naman ay dahil sa napanood na pelikula o programa sa TV.

Madalas, naiisip ko din kung ano ang sinasabi ng kantang iyan. Madalas ko pa nga nakukuwestiyon ang Diyos sa mga bagay na napagdadaanan ko eh. Kung bakit, ewan ko. Siguro dahil tao ako na sabi nga nila, marupok. At ang ganyang klase ng pag-iisip ang dahilan kung bakit naisipan kong simulan ang series na ito.

Hindi ko naman inaasahan na maraming magbabasa nito. Gusto ko lang mailabas yung mga nararamdaman ko, at kung sakali mang may magbasa nga ng blog ko o ng series na ito, e mai-share na rin ang kuwento ng buhay ko.

Lahat naman tayo may mga sariling istorya ng buhay. At bawat isa, may kakaiba o unique na kuwento na maaaring ibahagi sa iba, at heto ang sa akin. Kaya kung may seryoso man na magbabasa nito, salamat!

Kurog

0 comments:

Post a Comment