Itong umagang ito, nagising ako sa malakas na volume ng TV. Nagtaka ako kasi hindi naman ganun kalakas ang volume kapag nanonood si mama eh.
Bumangon ako at nalamang nanonood pala siya ng Unang Hirit sa GMA7. Kasalukuyang naka-cover ang pagsasalita ni Sen. Noynoy Aquino. Nakita ko na may caption sa bandang baba ng screen na nagsasabing 'Breaking News: Sen. Noynoy Aquino, Tatakbo sa 2010 Elections!'.
Hindi na ako nagtaka. Inasahan ko na ang pagtakbo niya. Bagkus, batuwa ako. Pinakinggan ko ang speech niya at medyo naluha ako nung sinabi niyang may nagsabi sa kanya na 'Sa waka, pwede na ulit mangarap' nung malaman nitong tatakbo nga si Sen. Noynoy.
Ewan ko ba. Masyadong mababaw ang luha ko kaya kahit konting bagay lang, naluluha na ako. Lalo pa akong naluha nung magsalita si Sen. Rodolfo Biason at sinabing 'I served your mom with dedication. I will serve you with dedication.'. Ehe.... Ganun talaga ako. Iyakin.
Well, ito lang ang masasabi ko. I support Noynoy! Though (malamang na) hindi ako boboto sa eleksiyon, suportado ko pa rin siya!





1 comments:
noynoy para sa 2010, galing ng pasok a, habang mainit pa ang suporta ng tao sa pamilyang aquino... thanks for dropping by my blog
Post a Comment