Yesterday afternoon, nasa convention ako ng mga kabataan ng KKEP, nung maisipan kong puntahan yung friend ko. I took a trike papunta sa sakayan ng jeep, pero saktong pagbaba ko ng trike, nakita ko doon sa waiting shed yung isa ko pang friend. He was waiting for another friend kaya naisipan ko munang samahan siya sa paghihintay.
Umupo kami dun sa concrete na bench, and sa pagkukuwentuhan namin, napansin ko ang mamang nasa picture sa kabilang side ng highway, naglalakad sya, pabalik-balik.
Umupo kami dun sa concrete na bench, and sa pagkukuwentuhan namin, napansin ko ang mamang nasa picture sa kabilang side ng highway, naglalakad sya, pabalik-balik.

Hindi nagtagal, nagsimulang pumatak ang ulan. Patuloy kami sa pagkukuwentuhan ng aking kaibigan nang hindi ko namamalayang nasa tabi ko na pala ang mamang ito. Naisip ko na marahil ay ayaw niyang mabasa ng ulan kaya siya lumipat sa aming kinalalagyan para sumilong.

Napansin ko ang mga binti nito. Mas malaki sa karaniwan at may mga sugat na parang hindi gumagaling. Hindi lang kasi ito ang unang beses na nakita ko ang mamang ito. Nung una ko siyang nakita ay nakita ko na rin ang mga sugat na iyon. Naisip ko na baka mayroon siyang sakit na kung tawagin ay Elephantiasis.

Kung mapapansin ninyo ay mayroong kumpol ng karton na nakasabit sa kanyang balikat. Sabi ng kaibigan ko, 'yun daw ang ginagawa niyang unan sa tuwing matutulog ito. "Nakatabi ko na kasi matulog 'yan nun", biro niya sa akin.

Hindi rin nagtagal, marahil ay nainip ito sa paghihintay na tumila ang ulan, at marahil ay ngalay na rin ang kaniyang mga binti at tuhod, umupo ito. Pero namangha ako nang makitang bago ito umupo ay nilinis muna nito ang parteng uupuan niya. Puno kasi ito ng buhangin na galing sa mga tsinelas o sapatos ng mga taong umuupo dun sa bakal na sandalan ng bench at itinataas ang kanilang mga paa (isa na ako sa mga 'yun).
Naawa ako sa mamang ito. Dahil na rin sa kalagayan niya. Pero sa kabilang banda, nakaramdam ako ng pagkainis. Dahil bago pa ang eksenang iyon, nakita ko siyang humihithit ng sigarilyo. Ewan ko. Naisip ko kasi na ganyan na nga ang kalagayan niya, nakuha pa niyang magbisyo.
Pero naisip ko rin na katulad ng sinasabi ng ilan, baka 'yun ang paraan niya upang maibsan ang gutom na nararamdaman. Madalas ko rin kasing marinig sa iba na kaya daw sila naninigarilyo ay upang hindi nila maramdaman ang kalam ng kanilang mga sikmura.
Ano nga ba ang magagawa ko para matulungan ang mga taong katulad niya? E kung tulong na pang-pinansyal o materyal ang pag-uusapan, hindi ko iyon maibibigay sa kanila.
Ang naisip ko lang na paraan upang makatulong ay ang pag-gawa ng mga post na katulad nito, upang kung may makabasa man nito ay baka sakaling mabuksan ang kanilang mga kaisipan, at mamulat sila sa katotohanan na maraming mga katulad ni "Manong" sa paligid. Maaaring nakikita natin sila madalas, pero kadalasan rin, hindi natin sila napagtutuunan ng pansin.
Sana, kahit sa papaanong paraan ay makatulong ang post na ito upang mamulat ang kaisipan ng ating mga kababayan sa mga ganitong uri ng mga tao.

3 comments:
At ang dapat lang na makabasa nito ay ang mga nakaupo sa mataas na posisyon. Tulad ng mga politiko. Sila ang mas may kayang tumulong, lalo na't sila ang humahawak ng mga buwis nati8n, na sya sanang nakaktulong sa mga taong tulad nito. At hndi ang kanilang mga nulsa.
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
Yun nga po (Kuya) Solo eh... Kaya kahit anong gawin kong pagkukumpara sa mga pulitiko, lalo na sa mga tatakbo sa pagkapangulo, hindi ako makapagdesisyon kung sino ang iboboto ko.
Sana nga matauhan ang mga taong ito. hindi yung puro pangako at pakitang tao lang.
Salamat sa muling pagbisita.
everytime i see people like them, i feel so blessed on all the things i have, sana nga may tumulong sa kanilang mga politiko di lang ngayong malapit na ang eleksyon kundi kahit ordinaryong araw lang, haaaay..
Post a Comment